• Tj Ovivir

WHO, Magpapadala ng Isang Team sa China upang Pag-aralan ang Pinagmulan ng Corona Virus


Contributed Photo.

Dahil wala pa ring opisyal na pag-aaral na nagkukumpirma sa tunay na pinagmulan ng coronavirus, Nakatakdang lumipad sa susunod na linggo patungong China ang isang grupo ng mga mananaliksik na ipadadala ng World Health Organization upang alamin ang puno't dulo ng nasabing virus.

Ipinahayag ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na mas mapapadali ang pag-trace sa coronavirus kung alam ng lahat ang dahilan nito.

Umaasa din ang WHO na makatutulong ito upang mapaghandaan ng bawat isa ang maaaring pang mangyari sa hinaharap may kinalaman sa COVID-19 pandemic.