• Radyo Pilipino News Team

WHO Pinaalala na Dapat Bigyan Pansin din ang Mental Health sa Gitna ng COVID-19


Photo is for illustration purposes only.

Bukod sa naglolobong bilang ng mga COVID-19 positive sa buong mundo, ipinahayag ng World Health Organization (WHO) na mahalaga ding pagtuunan ng pansin ang mental health dahil sa dumadaming kaso ng anxiety at depression bunsod ng lockdown at quarantine.

Ipinahayag din ni Aiysha Malik, isang WHO mental health expert na kasalukuyang may mataas na rate sa mental health conditions kaya hindi lang dapat solusyon sa COVID-19 ang dapat bigyang atensyon ng mga gobyerno kundi pati ang prevention ng stress sa mahirap na sitwasyong ito.

Dagdag pa niya, dapat panatilihin ng bawat isa ang makatuwirang social contacts na sumusumod sa mga health guidelines at maaari ring magkaroon ng virtual communication sa mga kaibigan at kamag-anak.

Ayon kay Malik, makatutulong din ang nga nakasanayang paraan ng paglalabas ng stress at anxiety gaya ng meditation at pagrerelax sa pana-panahon.

0 views