Winwyn Marquez, Sumabak sa Military Training ng Philippine Navy


Photo from Instagram/Teresita Ssen Winwyn Marquez.

Malayo sa nakasanayan ang pinagkakaabalahan ng beauty queen na si Winwyn Marquez matapos itong sumabak sa basic citizen military training upang maging isang Philippine Navy reservist.

Ayon kay Winwyn, ikinagulat ng kanyang mga magulang ang kanyang pagpasok sa naturang training ngunit kalaunan ay naunawaan naman ng mga ito nang ipaliwanag niya ang dahilan sa pagsali.

Noon pang Abril nakatakda ang pagsalang ni Winwyn sa training ngunit naipagpaliban ito nang umusbong ang pandemya sa bansa.

Puspusan naman ang home workout ng beauty queen bilang preparasyon sa kanyang pagsasanay.

Mahirap man ang training ay pursigido naman itong matuto at palawakin pa ang kaalaman sa kung paanong paraan niya matutulungan ang kaniyang pamilya at iba pang tao sakaling kailanganing gamitin ang kaniyang mga natutunan.

Samantala, inaasahang matatapos ngayong Nobyembre ang basic citizen military training ni Winwyn sa Philippine Navy.