top of page

World Leaders, Nakalikom ng Mahigit 7 Billion Euros Para Makahanap ng Lunas sa COVID-19

Magtulungan at ipagpaliban muna ang pakikipagkompitensiya, ito ang hiling ng mga World leaders matapos maglaan ng nasa 7.4 billion euros o mahigit 409 billion pesos sa isang fundraising telethon na naglalayong bumuo ng mabisang bakuna laban sa coronavirus pandemic. Ang telethon ay sinalihan ng nasa 40 na bansa, kabilang ang Europa, Japan, at Canada na nagbigay ng pinakamalaking ambag, habang ang United Nations at philanthropic organizations, at mga malalaking personalidad tulad ni Madonna ay nagdonate ng million dollars. Samantala, sinabi naman ni UN chief Antonio Guterres na kulang pa ang nalikom na halaga kumpara sa 38 billion euros na tinatantiyang kinakailangan sa paghahanap sa lunas ng COVID. Sa kabilang banda, hindi naman nakibahagi si United States President Donald Trump sa fundraising telethon at sinabing magiging handa na ang kanilang bakuna sa katapusan ng taon.



bottom of page