Xian Lim Bumwelta sa mga Bashers ni Kim Chiu

Dinipensahan ng aktor at TV Host na si Xian Lim ang aktres na si Kim Chiu sa Instagram post nito dahil sa patuloy na pambabatikos ng mga netizens sa kanyang girlfriend dahil sa naging statement nito sa online protest ng ABS-CBN.

Sa Instagram post ni Lim, sinabi niya na bilib siya sa katapangan at paninindigan ni Kim para ipaglaban ang naging tahanan at kinalakihan niyang Network.

Pakiusap naman ng aktor sa mga taong hindi matinag sa pambabatikos at paninira kay Chiu na tigilan na ito dahil wala naman itong ginawang masama.

Ilang araw matapos ang naging statement ng aktres sa nasabing online protest ay hanggang ngayon trending topic parin siya sa mga social media platforms.