Young Adult Smokers, Mas Malaki ang Tsansang Magka-COVID-19, ayon sa Survey

Sa isang survey na isinagawa sa United States, lumilitaw na one third sa mga young adult, edad 18 hanggang 35, na naninigarilyo ang may mas mataas na posibilidad na mahawahan ng COVID-19.
Bukod sa naturang sakit, nagresulta ang pag-aaral ng US Centers for Disease Control and Prevention na ang mga smokers ang mas 'medically vulnerable' sa mga sakit gaya ng diabetes, sakit sa puso, HIV o AIDS, at mga sakit sa baga.
Isinagawa ang survey sa halos walong libong young adults, at sinuri ng mga mananaliksik ang datos mula National Health Interview Survey noong 2016 hanggang 2018.