Youth Football E-Games, Bubuksan Ngayong Agosto

Kung noon ang mga bata ay pinaglalaro sa labas upang makaiwas sa paglalaro ng mga gadget, tulad ng cellphone at computer games, hindi na ngayon. Bagkus ay hindi na ito pinipigilan ng mga magulang, dahil sa community quarantine dulot ng pandemic.
Maging ang edukasiyon at palakasan ay nakasalalay sa internet connection.
Sa kasalukuyan ay kasama ang Youth Football sa modernong teknolohiya upang mahilig ang mga kabataan sa Pinoy Sports.
“We have no choice. With the current situation, the best way to avoid the virus is to stay home. Pero hindi dahil nasa bahay lang ang mga bata, hindi na nila maipagpapatuloy ang kanilang hilig. Kaya kami, joined na rin sa E-games. Basketball and tennis and other sports used this new platform and successful naman sila,” pahayag ni Youth Football League President Mike Atayde sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).
Sinabi pa ni Atayde na bubuksan nila ang Youth Football E-Games ngayong Agosto upang suportahan ang nais ng kabataan na mag-excel sa sports kahit nakatambay ang lahat sa kani-kanilang tahanan.
“Indeed, we are all affected by this COVID-19 pandemic, pero hindi ito dahilan para huminto tayo. Our youth, kahit mga matatanda kailangan laging malusog ang pangangatawan. Staying fit and ready in case na magbalik na sa normal ang lahat, ito ang importante. Kaya naisip naming gamitin ang online platform. Effective naman ito sa ibang sports at very successful ang basketball when FIBA introduced E-sports,” ayon kay Atayde.
Bukod sa football e-games, sinabi ni Atayde na ang internet na rin ang mabisang sandata para mapataas ang kalidad ng edukasyon ng mga trainer at coaches.
“May mga seminars and training program din kami na ginawa sa ating mga coaches at trainors. Paraan namin ito para mapanatili ang kalidad at level of competence sa coaching. Marami rin tayong football coach at trainors sa mga probinsiya ang naapektuhan ng pandemic,” sambit ni Atayde.
Sa ngayon, iginiit ni Atayde na buhay ang football at maraming kabataan ang patuloy na nagkakainterest sports at bago mag lockdown, maraming programa at maraming pa rin ang naniniwala na isa ang football sa sports na fit para sa Pinoy.