Yulo, Tuloy Parin ang Paghahanda ng Kanyang ‘Winning Routine’ Para sa Tokyo Olympics

Abala parin sa paghahanda ang world champion na si Carlos Edriel Yulo sa kanyang ‘winning routine’ para sa idaraos na Olympic Games sa susunod na taon sa Tokyo, Japan.

Bagama’t kasalukuyang umiiral ang quarantine sa bansa ay hindi ito hadlang para magamit ng 20-anyos gymnast ang pagkakataon para makabuo ng pulido at maayos na performance dahil nais nito masungkit ang gintong medalya sa paparating na Tokyo Olympics.

Ayon kay Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion, hinahasang mabuti ni Yulo ang mga iba’t ibang routines na gagamitin para sa Olympics isa na rito ang floor exercise at vault kaya malaki ang tyansa ani Carrion na masungkit ng pinoy gymnast ang gintong medalya.



0 views